Saan Mang Dakong Kasama si Jesus

 


Saan mang dakong Kasama si Jesus,
Ako ay ligtas sa pangamba’t lungkot
Saan mang wala S’ya’y mayroong lunos,
Hapis at luha ay magsisi-agos,


Refrain
Saan man, Saan man papatnubayan,
Saan man sa Kanya’y may kaligtasan


Saan mang pook si Cristo’y kapiling,
Ako ay ligtas sa mga hilahil;
Magsapin-sapin man dusa’t hilahil,
Ako ay payapa kanyang piling.


Saan ma’y ligtas at walang panganib,
Sa hibo ng daya nitong daigdig
Kung lagi nang si Jesus ang kaniig,
Pala ay aki’t wala nang tigatig.


Kung Ako’y tapat at di hihiwalay,
Ang kandungan N’ya ang aking himlayan,
O lubhang mapalad ang aking buhay,
Sa langit ng ligayang walang hanggan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *