Purihin Ka, Panginoon

 


1.Purihin Ka, Panginoon,
Ako’y iniligtas Mo;
Nilinisan at pinuspos,
Nang maging daluyan Mo.


Ref
Daluyan lang, Panginoon,
Nguni’t may Iyong biyaya.
Sa pagdaloy Iyong magamit
Saan man at kailan man.


2.Daluyan ng pagpapala,
Sa mga pusong uhaw;
Ihayag ang kaligtasan,
Pag-ibig Mo’y siyang sigaw.


3.Basyuhin Mo ’tong sisidlan,
Mapasa I-yong kamay;
Lakas nami’y nanggagaling
Sa biyayang Iyong bigay.


4.Sinasaksi Iyong biyaya:
Binili at inangkin,
Sa sala ay pinalaya!
Pumasok Ka sa akin.


5.Panginoon, puspusan Mo,
Ang aming pusong laan;
Nang ang batis ng Iyong buhay,
Aagos sa daluyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *