Mabiyayang Espiritu

 


1.Mabiyayang Espiritu,
Ngayon puspusin ako;
Puspusin ng Iyong presensiya,
Ako ay puspusin nga.


Ref
Puspusin nga ako!
Ngayon ng Espiritu
Basyuhin, alisang lubos,
Espiritu’y magpuspos.


2.Puspusin Mo ng ’Spiritu,
Di ko batid kung pa’no;
Mula sa utos ng sala,
Ako ay mapalaya.


3.Gayang usang uhaw ako,
Matighaw ng ’Spiritu;
Sagana’y matikmang lubos,
Tubig buhay umagos.


4.Sa krus ’lagak sarili ko,
Mapuspos ng ’Spiritu;
Lubos magpasakop sa Iyo,
Sa glorya Mo ma’anyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *