L’walhati, Hari ng buhay

 


1.L’walhati, Hari ng buhay,
Sa Iyo iaalay,
Nang di Kita malimutan,
Kalbaryo’y puntahan.


Refrain
Di-malimot Getsemani,
Di-malimot Iyong pighati,
Di-malimot pag-ibig Mo,
Dahil sa Kalbaryo.


2.Makita ko ang libingan
Na pinagtangisan;
Mga anghel ang nagbantay,
Nang Ika’y humimlay.


3.Doon ako mag-aalay,
Tulad ni Maria,
Ituro Mo ang libingan,
Aking mapuntahan.


4.Nawa’y kusang pasanin ko
Ang krus para sa Iyo,
Kahit ang hapis Mong saro,
Ay mabahagi ko.


5.Nais Mong higit pang tao
Ang maakit sa Iyo;
Linisin Mo aking labi,
Kalbaryo’y ’pagbunyi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *