Di Ko Alam Ang Biyaya

 


1. Di ko alam ang dahilan Biyaya’y nakamtan;
Akong masama’y minahal, Tinubos na tunay.


Refrain
Nguni’t aking naaalaman, Na kanyang laging maiingatan
Aking kalulwa at buhay, Hanggang araw’y dumatal.


2. Hindi ko natatalastas, Pa’nong iniligtas,
Ni pa’nong Salita Niya’y, Taglay ay patawad.


3. Di ko batid ang pagkilos, Espiritu ng Dios,
Inihahayag si Jesus, Na S’yang manunubos,


4. Di ko alam kung kailan Babalik si Jesus,
Kung dadaan sa libingan, O sa ulap lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *