Ang Krus na Luma

 


Sa burol no’ng dati, ay may krus na luma,
Sagisag ng dusa’t pagkutya;
krus ay ‘tinatangi pagkat ang Dakila,
Ay du’n nagpamalas ng awa.


Refrain
Ang pag-asa ko’y ang lumang krus,
Pagka’t dun sala ko’y natapos;
At sa langit, pansamo ko’y krus,
Ni Jesus; ang Katwiran ng D’yos.


O ang krus na luma, hamak man sa mundo’y,
Kayamanang ‘tinuturing ko,
Pagkat ang Kordero ng Diyos, sa ‘ki’y dito,
Pinako noon sa Kalbaryo.


Sa dugong bumahid, dun sa krus na luma,
May bighaning nakamamangha;
Dun noon umagos ang dugo ng awa,
Na sa ‘ki’y nagpawalang-sala.


Sa ‘king krus na luma, sasampalataya;
Babatahin ang pangungutya;
Darating ang araw, ako ay kukunin;
Ni Jesus at lul’walahatiin!

간략히

Leave a Reply

Your email address will not be published.