1.Pag-ibig ko, Hesus ay dagdagan,
Ako’y nanikluhod, kaawaan;
Samo ko’y pakinggan,
Pag-ibig dagdagan;
Pag-ibig ko ay dagdagan.


2.Ninasa’y pangmundong katuwaan,
Ikaw ang hanap kong kasiyahan;
Tanging kahilingan:
Pag-ibig dagdagan;
Pag-ibig ko ay dagdagan.


3.Bayaan ang lumbay ay dumaan,
At ang taglay nito’y katamisan;
Aking papurihan,
Pag-ibig dagdagan;
Pag-ibig ko ay dagdagan.


4.Huling awit Kita’y bubulungan,
Sigaw ng puso ko’y walang hanggan
Panalangin pa man:
Pag-ibig dagdagan;
Pag-ibig ko ay dagdagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *