Si Kristo’y Nagliligtas
1. Narinig ko ang sigaw: “Siya ay nagliligtas!”
Ibalita sa lahat, “Siya ay nagliligtas!”
Sa lahat ng kinapal, ang balita’y ihayag;
“Si Jesus ngayo’y buhay, Siya ay nagliligtas!”
2. “Si Cristo’y nagliligtas,” O ipagsigawan!
Sa bundok man o dagat ay ipagsigawan;
Sa madlang nalilingat at lipos kasalanan,
“Si Cristo’y nagliligtas,” O ipagsigawan!
3. Awitin nang malakas: “Siya ay nagliligtas!”
Sa mga napahamak; “Siya ay nagliligtas!”
Sa Kalbaryo’y nabitin si Jesus na nag-adya,
Puso mong naninimdim, aaliwin Niya!
4. Yanigin buong lupa sa lakas ng awit:
Na si Cristong dakila ay Dios ng pag-ibig!
Makasalanang aba, dingdin ang Kanyang tinig;
Halina, lumuluha, kay Jesus, lumapit!