Nang mapuno ng papuri ang langit
1. Nang mapuno ng papuri ang langit,
Nang ang sala ay lubhang maitim,
Si Hesus ay isinilang ng birhen—
Namuhay Siya, tularan sa akin!
Refrain
Nam’hay, umibig; Nam’tay, nagsagip;
Nalibing, nag-alis ng kas’lanan!
Bumangon, nagbigay ng katuwiran:
Siya’y babalik—O kaluwalhatian!
2. Nang Siya’y dalhin sa bundok ng Kalbaryo,
Namatay nang ipako sa puno;
Tinanggihan, hinamak, ininsulto;
Sala’y dala ng Manunubos ko.
3. Nang sa hardin, kanilang iniwan Siya
Humimlay, Siya sa dusa’y lumaya;
Mga anghel nagbantay sa libingan;
Pag-asa ng walang maasahan.
4. Nang hindi na makubli ng libingan,
Nang maalis ang batong pangharang;
Bumangon Siyang gupo ang kamatayan;
Sumalangit, Poon kailan pa man.
5. Pagbalik Niya’y tutunog ang trumpeta
Glorya Niya sa langit makikita,
Mga minamahal ko ay dadalhin,
Manliligtas, si Hesus ay akin!