1. Naghihintay sa kadiliman
Walang pagasa’t liwanag
Mula sa langit bumaba
Laman ng ‘yong mata’y habag
Katuparan ng pagdating
Ng pangakong Salita
Mula sa dako ng luwalhati
Ikaw ay nagpakumbaba.
CHORUS
Ang papuri ay sa’Yo
Ama Anak at Espiritu
Karangalan ay sa’Yo
Purihin ang Hari ng hari.
2. Ihahayag ang kaharian
Upang magbalik loob
Lahat ng makasalanan
Tinubos ng ‘Yong dugo
Sa gitna ng pagdurusa
At hirap na Iyong taglay
Para saming kaligtasan
Inalay mo ang ‘Yong buhay.
3. At sa kinaumagahan
Ang langit ay naghintay
Sa muli Mong pagkabuhay
Hesus Ika’y nagtagumpay
Bumangon ang nakahimlay
Mga anghel ay namangha
Bibigyan ng bagong buhay
Ang lumapit sa Ama.
4. Sang dakilang pagkilos
Ng Banal na Spirito
Ebanghelyong ihahayag
Di kailanman’y matitinag
Sa kanyang dugo’t pangalan
Ako ngayo’y malaya na
Sa pag-ibig ni Hesus
Ang buhay ko’y binago Nya.