Umawit mga anghel

 


Umawit mga anghel
Awit na sakdal tamis;
Awit na umaakit,
Siyang laging dinadalit.


Koro
Gloria sa kaitaasan!
Gloria sa kaitaasan!(x2)


Pastol mang nagbabantay
May awit ding naglamay
Ang naghari ay galak
Sa buong sanlibutan.


Sanggol na nasa belen
Handugang buong giliw
Ang Haring bagong silang
May handog nating sundan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *