Purihing May Galak

 


1.Purihing May Galak ang ating Dios Ama
Dakilaing lubos ang Pangalan Niya
Pagka’t nagbibigay ng ginhawa’y Siya
Purihin S’yang walang hangga.


Koro;
Purihin ang Pangalan N’ya
L’walhatiing buong sigla
Pasalamatan S’ya ng puso’t kalul’wa
Dahil sa ati’y pagsinta


2. Sa pagsintang tapat ng Dios ng pagliyag
Kanyang ibinigay bugtong Niyang Anak
Kaya tayo ngayon ay magpuring wagas
Nang dahil sa pagliligtas.


3. Halina kay Jesus sa Kanya’y dumulog
Ang buhay at lakas ay ating ihandog
Sa ating pagtanaw ng utang na loob
Oh purihin natin ang Dios.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *