Pagpapala nyay Bilangin Mo

 


Kung bagyo sa buhay mo’y dumadalaw , At ang pag-asa’y waring napaparam,
Pagpapala ng Dios ay bilangin mo, Sisigla muli ang iyong espiritu.


Pigilin
Pagpapala niya’y   bilangin mo, Pagpapalang kaloob sa ’yo.
Bawat pala na nakakamit, Kaloob ng Dios pagkat siya ’y pag-ibig.


May tinitiis ka bang karamdaman, Krus mo bang pasan ay may kabigatan
Pagpapala ng Ama ay bilangin mo, Puso mo’y mapupuspos ng awitin.


Kung iba’y nagtatamasa ng yaman, At ikaw nagdarahup magkaminsan
Tandaang higit ang kayamanan mo, Na ipinangako ni Jesu-Cristo.


Kung mabibigat ang suliranin mo, Dios nama’y hindi lumalayo sa iyo,
Angeles ng Dios sa iyo ay tutulong, Dahil sa mahal ka ng Panginoon.