Lumalakad sa liwanag ng Salita

 


Lumalakad sa liwanag ng Salita,
L’walhati tumanglaw sa akin,
Sundin ko lamang Siya at pupunuin
Niya Ang nagtiwala’t masunurin.


Refrain
Magtiwala, tumalima lamang,
Nang si Hesus masiyahan,
Ito’y tanging daan.


Lupa’y walang dilim, langit walang ulap
Na di-mapawi ng ngiti Niya;
Walang duda’t takot, walang luha’t hirap
Di-maparam kung magtiwala.


Walang pinapasan, walang kalungkutan
Na di-ipagmalasakit Niya;
Hapis at kawalan, tatwa, kahihiyan,
Maging biyaya, magtiwala.


Nang maunawaan tamis, pag-ibig Niya,
Ihandog lahat sa dambana;
Binibigyan Niya ng galak at biyaya,
Tanging mga tagasunod Niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *