Kay Kristo lang

 


Kay Kristo lang, pag-asa ko; Liwanag ,tibay sa mundo;
Batong Panulok narito, Di matitinag ng bagyo.
pag-ibig na Kay dakila , Sa takot pumapayapa;
Kaaliwan ko sa lupa: Kristong biyayang sagana


Kay Kristo na Naging tao; Diyos na lubos pumarito!
Katwirang lingap sa mundo Hinamak nating totoo
At dun sa Krus S’ya’y namatay; Poot ning Diyos sa ‘king sala’y Pinaglubag N’yang mahusay ; Dahil kay Kristo ’y nabuhay


Sa kweba ay Inilibing; Ilaw nilagom ng dilim;
Ngunit araw nga’y dumating Na S’ya’y muling nabuhay din!
At pagbango’y nagtagumpay Sa kamatayang kaaway
Ako’y kanya, aking tunay Kanyang dugo, aking buhay


Walang sala o takot man Dahil Kristo’ng tanggulan
Sa simula’t katapusan Buhay tanging kay Kristo lang.
Sa Kanya’y di mawawaglit Hanggang Kanyang pagbabalik;
Habang dito sa daigdig Kay Kristo lang tumitindig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *