Kami’y Buhayin

 


Purihin ang Dios at bugtong na Anak,
Na namatay atsa langit ay umakyat.


KORO:
Hallelujah! Iyong gloria,
Hallelujah! Amen!
Hallelujah! Iyong gloria,
Kami’y buhayin. AMEN.


Purihin ang Dios na lumiliwanag,
Sa kadiliman si Hesus inihayag.


Puri’t luwalhati sa Cordero ng Dios,
Sa sala’y nagligtas, luminis na lubos.


Puri’t l’walhati sa Dios ng biyaya,
Na bumili at sa atin ay nagpala.


Muli kaming buhayi’t puso’y pun’in,
Ng pag-ibig apoy ay papagningasin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *