Kalooban Mo Diyos ay Sundin

 


1.Kalooban Mo, Diyos ay sundin,
Sa kamay Mo ako’y hugisin;
Ako’y gawin Mong masunurin,
Ang Iyong nasa’y siyang gawin.


2.Kalooban Mo’y sundin, o Diyos!
At siyasatin yaring puso;
Pakalinisin akong lubos,
Ngayon sa Iyo’y dumudulog!


3.Diyos, ang gawin ay ang nasa Mo,
Huwag ang sa aking makatao;
Kapangyariha’y nasa Iyo,
Sampung kalinga at saklolo!


4.Sundin ang Iyong Kalooban
Buhay ko’y Iyong pagharian;
Diwa na banal, ako’y lukuban
Nang kay Hesus na kagandahan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *