Jesus, Ako’y Lumalapit

 


1. Buhat sa aking kalungkutan, Jesus, ako’y Lumalapit,
Sa Iyong tuwa at kaligtasan, ako’y lumalapit.
Buhat sa salang karamdaman, Tungo sa Iyong kalusugan,
Buhat sa aking kasalanan; Jesus, Lumalapit.


2. Buhat sa aking pagkalungi, Jesus, ako’y dumudulog,
Upang sa Iyo’y pakandili, Ako’y dumudulog.
Buhat sa gawaing marumi, Tungo sa Iyong sakdal buti;
Umaawit ng pagpupuri, Ako’y dumudulog .


3.Buhat sa buhay na ligalig, Lumalapit ako Jesus;
Patungo sa banal Mong nais! Lumalapit, Jesus.
Buhat sa aking mga hilig, Patungo sa Iyong pagibig;
Upang masapit ko ang langit, Lumalapit, Jesus !


4.Buhat sa pangamba at takot; Jesus, ako’y tanggapin Mo,
Sa tahanang puspos ng lugod, Jesus, tanngapin Mo;
Buhat sa aking pagkalugmok, Tungo sa Iyong pagkukupkop;
Nang mamasdan Kita nang lubos, Jesus, tanggapin Mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *