Iniligtas Ng Pag-ibig

 


1. Buhay ko ay kay dilim.
Sa sala ay lugmok.
At walang makasagip.
Buhat sa paglubog.
Ngunit dininig ng Diyos
ang aking paghibik
At ako’y iniligtas ng Pag-ibig.


CHORUS:
Pag-ibig niya ang nagligtas;
sa’king pagkakalugmok, itinaas.
Pag-ibig niya ang nagligtas;
sa’king pagkakalugmok, itinaas.


2. Ang lahat sa buhay ko
aking ihahandog
Sa Amang mapagmahal,
sa aki’y tumubos;
Pupurihin ko siya
nang may pagmamahal,
Lapit na at kay Jesus pasakop ka.


3. Taong makasalanan,
manalig kay Jesus,
hahanguin ka Niya
sa pagkakalugmok;
Buhay mong binabagyo,
papayapain niya
Halina at kay Jesus pasakop ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *