Halina at lumapit

 


Halina at lumapit
Sa Dios ng pag-ibig
At sa Kanya’y isulit
Ang lahat ng hapis
Mapapawi ang dusa
Dagling giginhawa
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Koro
Sa puso’y may ligaya
Tayo’y malaya na
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Kung kalul’wa’y may sala
Laging nanghihina
Waring walang pag-asa
Lumapit sa Kanya
May pagpapala t’wina
Dahil sa pagsinta
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.


Puso ay bibihisan
Ng t’wa’t kagalakan
At kakamtin ang buhay
Na sa ati’y laan
S’ya’y ating kasama
Saan man humangga
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya
Kung kalinga N’ya ang maya
Tayo ma’y kalinga N’ya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *