Diwang Banal, Linisin Mo Ako

 


Diwang Banal, Linisin Mo Ako
At ilayo sa hibo ng mundo;
Ang kalakasan ko’y tanging ikaw,
Itulot Mong sa lyo magmahal.


Ang nais Mo’y aming ibigin Ka,
Nang buong isip, puso’t kaluluwa;
Kalooban Mo’y ibig kong sundin.
Tulungan Mong maging masunurin.


Ipadamang di Ka lumalayo,
Nang pumayapa ang aking puso;
May kalungkutan man o tiisin,
Tunay na di ako maninimdim.


Puso’y turuan, O Diwang Banal,
Na magtiwala sa bawat araw;
Tulungan Mo na laging maglingkod
O puspusin ako ng pag-irog. amen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *