Anyaya’y Narinig

 


1.Anyaya’y narinig –
Ikaw ay tanggapin
Yamang dugo Mo’y nabuhos,
Budhi ko’y linisin.


Ref
Panginoon ko,
Nalapit sa Iyo.
Linisin sa dugo Mo
Buhos sa Kalbaryo.


2.Ako nga’y marumi’t
Walang kabutihan;
Sa Iyong biyaya at tulong
Sala’y nahugasan.


3.Atas Mong taimtim –
Sala ko’y lisanin,
Magsisi, sa Iyo’y manalig,
Ikaw ay tanggapin.


4.Bigkas Mo’y biyaya,
Espiritu’y ilaw,
Nang kahinaan ko’y lantad;
Sandigan ko’y Ikaw.


5.Espiritu’y taglay,
Kaya’t buhay akin;
Pangako ng Diyos natupad,
Nang Ika’y tanggapin.


6.Ang Diyos ay pag-ibig!
Siya ang kaligtasan!
Dugo ni Hesus—pantubos!
Lahat ko ay laan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *