Aba! Aking Manunubos

 


Aba! Aking Manunubos
Dugo N’ya’y bumuhos?
Para sa tuladkong uod,
Pinako S’ya sa Krus?


Para sa ‘king mga sala
Umako ng dusa?
Kamangha-manghang biyaya!
Pagsintang dakila


Araw wari ay nagkubli
Tinago’ng l’walhati;
Nang Manlilikha’y pumanaw;
Sa sala’y namatay


O ang aking kahihiyan
Nang Krus mapagmasdan;
O puspos ng pasalamat;
Luha’y di maampat.


Ngunit di ma-tutumbasan
Pag-ibig kong utang;
Naririto sinusuko
Sa ‘Yo aking puso

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *